Tagalog Post - Written by admin on Saturday, March 14, 2009 3:14 - 0 Comments

Cartoon collections sa Jollibee Kids Meal


Mga kids, narito na six latest animation collectibles mula sa Jollibee kasama rito ang Cyber Formula Turbo Racers at Pucca Perky Collection.

Kung mahilig ang inyong anak sa mabibilis na kot­se, tiyak na matutuwa sila sa 3 Cyber Formula Turbo Racers.

Ito ay hango sa future Grand Prix races sa hit series na Future GPX Cyber Formula. Ang mga mini machines na ito ay kayang tumagal ng mahabang oras na puro aksyon.

Kasama ng hero na si Hayato Kazami ang kanyang Super Asurada 01 Velocity, ang Albatrander 602 Cyclone at ang Prot Jaguar Z-6 Revolution na tiyak na kagigiliwan ng mga batang lalaki.

Para sa mga batang babae, kagigiliwan naman nila ang Pucca Perky Collection mula sa South Korean animated series na ‘Pucca Funny Love’.

Hindi lamang saya ang hatid ng mga collections na gaya nito kundi gamit na rin sa eskuwela ng mga bata, kagaya ng Pucca Tug and Twist Tag.

Ilagay lamang ito sa bag ng mga bata para mas madaling malaman ang kanyang bag.

Mayroon ding Pucca Clip and Clasp para mapag-isa ang mga gamit sa school o sa bahay.

Punta na sa pinakamalapit na Jollibee store at bumili ng Jollibee Kids meal na P69 –P95 para maka-avail na cute at cool collectibles toys. Available ito mula March 10 hanggang April 1.



Comments are closed.

Most Popular Content

Tagalog Post - Mar 26, 2009 17:55 - 0 Comments

Katrina, nagpabaya sa sarili

More In Tagalog Post


Taiwan Times - Mar 13, 2009 16:55 - 0 Comments

MECO rapped for asking OFWs to take pay cuts

More In Taiwan Times


Thailand Daily - Mar 12, 2009 9:19 - 0 Comments

Global crisis upsets costly cities rankings

More In Thailand Daily