Tagalog Post - Written by admin on Thursday, March 12, 2009 9:15 - 0 Comments

Kris, aliw na aliw kay Rhap!


ALIW na aliw pala si Kris Aquino kay Rhap Salazar, ang winner sa pakontes ng ABS-CBN na Little Big Star. Naikuwento ni Rhap na isang mamahaling cellphone at tatlong mamahaling polo shirt ang iniregalo ni Kris sa kanya nung birthday niya nitong Pebrero.

Kuwento ni Rhap, madalas daw siyang pumasok sa dressing room ni Kris kapag napapadaan siya sa taping nito. At nung minsan daw na may taping siya para sa isang show sa Dos, bago raw siya umalis ay dumaan siya sa dressing room ni Kris para magpaalam.

At pagkahalik daw niya kay Kris ay may ipinakuha ito sa kanyang assistant. At nagulat daw si Rhap nung makita niyang cellphone ang laman ng bag, na may kasama pang tatlong polo shirt, ang iniabot sa kanya ni Kris.

Siyempre, tuwang-tuwa si Rhap sa atensyon na ibinibigay sa kanya ni Kris. At sa pagkakatanda ni Rhap, nung Pasko raw ay binigyan din siya ni Kris ng damit.

Sabi ni Rhap, kahit kailan ay hindi raw niya makakalimutan si Kris dahil sa importansyang ibinibigay nito sa kanya.

Siyanga pala, kahit isang milyong piso ang napanalunan ni Rhap sa Little Big Star, wala pa rin siyang sariling sasakyan ngayon. Nilagay lang daw niya sa bangko ang pera.

Siyanga pala, makakasama si Rhap sa bagong teleserye/nurserye ni Judy Ann Santos, ang Habang May Buhay.



Comments are closed.

Most Popular Content

Tagalog Post - Mar 26, 2009 17:55 - 0 Comments

Katrina, nagpabaya sa sarili

More In Tagalog Post


Taiwan Times - Mar 13, 2009 16:55 - 0 Comments

MECO rapped for asking OFWs to take pay cuts

More In Taiwan Times


Thailand Daily - Mar 12, 2009 9:19 - 0 Comments

Global crisis upsets costly cities rankings

More In Thailand Daily