Tagalog Post - Written by admin on Thursday, March 12, 2009 18:13 - 0 Comments

Prostitusyon lumalala dahil sa krisis


Dahil sa paglala ng krisis sa ekonomiya, parami nang parami ang mga kababaihan sa kanayunan ang nasasadlak sa prostitusyon.

Kadalasan, ang ito ay ginagawa sa porma ng palit-isda, bigas at kape.

Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR), isang institusyon na nangangalap ng datos at nagtuturo sa mga kababaihan, nakakakuha ito ng mga inisyal na ulat ng pagtaas ng insidente ng prostitusyon sa kanayunan.

“Ang krisis sa ekonomiya ay nagpalala ng kundisyon ng mga maralitang kababaihan sa kanayunan. Ba-gamat sila ang lumilikha ng pagkain para sa bansa, hindi sila makaagapay sa krisis dahil sa kawalan ng lupang masaka at mababang pasahod,” ani Jojo Guan, executive director ng CWR.

“Nakakatanggap kami ng report na sa ilang lugar sa Timog Katagalugan, ang mga kababaihan lalo na sa komunidad na malapit sa mga palaisdaan ay napipilitang mag-alok ng serbisyong pagmamasahe sa mga dayuhang turista sa mga pribadong resort kapalit ng pera,” bunyag pa ni Guan.

Dahil ang mga dalampasigan ay ginawang pribadong resort at ang mga maliliit na mangingisda ay pinagbabawalang mangisda, ang mga kababaihan ay pumapasok bilang labandera sa mga resort.

Ang isang masahe ay nagkakahalaga ng P300, pero kung gagawin ito sa loob ng kuwarto, umaabot sa P700 ang ibinabayad dito na ang serbisyo ay maaaring lumampas pa sa masahe.

Tinatayang ang mga kababaihan ay binabayaran ng P1,500 para makipag-sex sa mga kustomer.

Ang mga may-ari ng mga pribadong resort, kung saan ginagawa ang “serbisyo,” ay nakakakuha pa umano ng komisyon.

Nababahala ang CWR ay nababahala sa napipintong pagtaas ng insidente ng prostitusyon lalo na sa paglunsad ng US-RP Balikatan military exercises sa Bicol ngayong tag-araw.

“Noon pa, alam natin na kung may mga sundalong Amerikano, laganap din ang mga nabibiktima sa prostitusyon,” ani Guan.



Comments are closed.

Most Popular Content

Tagalog Post - Mar 26, 2009 17:55 - 0 Comments

Katrina, nagpabaya sa sarili

More In Tagalog Post


Taiwan Times - Mar 13, 2009 16:55 - 0 Comments

MECO rapped for asking OFWs to take pay cuts

More In Taiwan Times


Thailand Daily - Mar 12, 2009 9:19 - 0 Comments

Global crisis upsets costly cities rankings

More In Thailand Daily